Abante Tonite Interactive

Charo kinilig kay Daniel 

291
Archie Liao
Dati-rati, aminado ang dating ABS-CBN President at ngayon ay ABS-CBN Chief Content Officer na si Charo Santos-Concio na kinikilig pa rin siya sa tambalang Juday at Piolo.
Abante Hiring – IT dep
Pero, ngayon, iba na ang kinakikiligan niya. Faney na faney na siya ng KathNiel. 
Katunayan, sobrang fan siya ng Teen King na si Daniel Padilla.
Ayon pa sa kanya, wish niya na makasama ang young actor sa isang proyekto.
Tamang-tama naman dahil may nilulutong proyekto ang ABS-CBN na pagsasamahan nilang dalawa.
“Alam kong marami na ang nag-aabang. Ipagdasal na lang natin na matuloy siya,” aniya.
Masaya naman si Charo sa pagwawagi ng MMK sa nakaraang Asian Academy Creative awards kung saan ang episode na “Kotse-Kotsehan” na tinampukan ni Angel Locsin ay tinanghal na best single drama/telemovie.
Malapit na ring mapanood si Charo sa horror movie na “Eerie” na idinirek ni Mikhail Red kung saan nakipagtagisan siya sa pag-arte kay Bea Alonzo.