Abante Tonite Interactive

Charo kinilig sa beso nina Piolo-Juday

566

Nakakatuwa naman ang post ni Piolo Pascual sa kanyang Instagram account na pagbebesohan nila ni Judy Ann Santos sa harap ng ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio.

Nagkita ang tatlo sa Sun Life Insurance event kung saan ay pare-pareho silang endorsers.

Makikita sa short video na ipinost ni Piolo na lumapit siya kina Charo at Juday at bineso niya sa pisngi ang dating ka-loveteam.

Caption ni Piolo, “yung di napigil ni Maam Charo yung kilig nya.”

Makikita rin naman kasi talaga sa video na kinikilig si Ma’m Charo kina Juday at Piolo. Nakakatuwa lang na up to now talaga ay hindi nawawala sa lady executive ang kanyang pagiging fan.

Ang dami namang netizens din ang naka-relate sa kilig ni Ma’m Charo at komento nga nila sa comments section, kinikilig din sila. Nag-post din si Piolo ng larawan nilang tatlo nina Charo at Juday at caption niya, “ang fave loveteam ni Maam Charo.”

Bukod dito ay nag-post din si Piolo ng video kung saan ay inalalalayan niya si Juday sa event habang sabay silang pumapasok.

Caption ni Piolo, “Vince and Abby” na pangalan ng mga karakter nila sa huling pelikulang pinagsamahan nila, ang Don’t Give Up on Us in 2008.

Siyempre, ang dami namang kinilig na Juday-Piolo fans sa post na ito ni Papa P. Again, ang dami ring nag-comment na sana raw ay matuloy na ang reunion project ng dating magka-loveteam

Dingdong ayaw maging child actress si Zia

At her young age of 4, kabi-kabila ang commercials and endorsements ng panganay na anak nina Dingdong Dantes and Marian Rivera na si Zia. Pero ayon kay Dong, may limitasyon ang pagiging commercial model ng kanilang eldest at hindi ito forever.

“May deadline kami for her, kapag pumasok na siya, tigil na,” sabi ni Dong.

Diretso ring sinabi ni Dong na hindi raw magiging child actress si Zia dahil ang mas gusto nila ay mag-aral ang bagets.

Kung talaga raw gustong mag-artista ng kanyang mga anak ay tapusin muna ang pag-aaral.

Samantala, very proud si Dingdong sa anak na si Zia dahil tumulong nga itong mag-pack ng mga relief goods na kanilang ibinigay sa mga naging biktima ng lindol sa Mindano at ng pagsabog din ng Taal Volcano sa Batangas.

Nakunan nga si Zia habang nagpa-pack at nag-viral ito sa internet.

“Siyempre, magandang maintindihan na rin niya kung ano ang mga nangyayari,” sey ni Dong.