Abante Tonite Interactive

Chavit galawang hokage kay Catriona

751

Na-bash ng mga netizen ang galawang hokage ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis ‘Chavit’ Singson kay Miss Universe 2019 Catriona Gray.

Si Catriona ang Philippine flag bearer sa laban ni Senador Manny Pacquio kay Keith Thurman sa MGM Grand, Las Vegas.

Trending ang video sa Twitter at Facebook kung saan makikitang magkatabi sa upuan sina Catriona at Chavit.

Abala sa kanyang mobile phone si Catriona at makikitang inaantok si Singson at muntik pang mapahilig ang ulo nito sa balikat ng Miss Universe.

“Kala ko talaga si Manny, Catriona at si Le-gendary Hokage Chavit huehue,” sabi ng netizen na si Ryan Watt.

“Galawan moves ni Chavit Singzon,” ani Rid Martin.

Sabi ni Migo Mo:

“Chavit: All we need is somebody to lean on.

Catriona: Gusto mo ma-ransengan o rasen-shuriken??!!”

Isa pang netizen, ang nagsabi na “baka gumulong ulo mo…hehe” at pinaalala na dating martial artist si Catriona na naging black belt noong 12-anyos pa lamang ito.

Makikita sa video na lumingon si Catriona nang mapansing sasandal na sa kanyang balikat si Singson sabay ngiti.