Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Checkpoint nilarga laban sa mga ECQ eskapo – DILG

0 80

Ipinaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maagang naglagay ng mga checkpoint sa mga boundary ng NCR Plus upang maiwasan ang pag-uuwian ng mga tao sa lalawigan na maaaring magresulta pa sa lalong pagkalat ng Delta variant.

Kasunod na rin ito ng matinding trapik na nararanasan ng mga motorista na sinisisi sa mga checkpoint bago pa man ang enhanced community quarantine mula Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, malaki ang posibilidad na samantalahin ng mga tao sa National Capital Region (NCR) ang mas maluwag pang quarantine upang makalabas at makauwi ng probinsiya.

“If we don’t do this (pagtatayo ng checkpoint), people will leave the NCR, even those with the Delta variant who will go to different places and spread it,” ani Año.

“First we have to shut down the mobility of people to break the chain of transmission. So the virus would die naturally wherever it is incubating,” paliwanag pa ng kalihim.

Nilinaw naman ni Año na ang mga taong kailangan talagang bumiyahe ay maaaring magpakita sa checkpoint ng ID na inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o anumang valid ID o dokumento na magpapatunay na mahalaga ang pagbiyahe nila. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.