Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Checkpoint pinasabog, dagdag na mga tropa kinalat

0 126

Dinagdagan ang puwersa ng mga sundalo at pulis sa ilalim ng Joint Task Force Central sa bahagi ng highway na nag-uugnay sa probinsya ng Cotabato City at Sultan Kudarat kasunod ng nangyaring pagsabog sa Guindulungan, Maguindanao noong Sabado.

Ang pagsabog ay nagpatigil sa 30 vehicle convoy ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu na dadaan sa nasabing highway sa Guindulungan malapit sa Army detachment kasabay ng matinding buhos ng ulan.

“An improvised bomb went off but nobody was hurt,” ani Lt. Col. John Paul Baldomar, ang 6th Infantry Division spokesperson ng Philippine Army.

Si Mangudadatu, na tatakbo sa pagka-governor sa susunod na halalan, ay naniniwala na ang roadside bomb attack ay nangyari alas-6:30 ng gabi sa isang Army checkpoint sa Sitio Pansol, Brgy. Macasampen. Ayon sa ulat, natagpuan ang isang hand grenade sa crime scene.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Muntik na kami,” aniya sa post sa social media.

Inamin naman ni Mangudadatu na isa sa mga sasakyan sa 30 vehicle convoy ay muntik nang tamaan ng pagsabog.

Wala pang umaako sa pagpapasabog habang wala naman umanong nagtamo ng pinsala matapos ang insidente. (Kiko Cueto/Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.