Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Checkpoint sa NCR `di babaklasin – DILG

0 148

Tinutulan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mungkahing tanggalin ang mga fixed checkpoint sa National Capital Region (NCR) ngayong umiiral pa ang enhanced community quarantine (ECQ).

“Kung wala po tayong checkpoints papaano po natin mai-enforce ang curfew? Pangalawa, ang standard nga po na general rule sa panahon ng ECQ is stay at home unless you are APOR (authorized person outside residence). Papaano po natin ‘yan mai-enforce kung wala tayong checkpoints?” ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna rito, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar na ikinukunsidera nila ang pagtatanggal ng mga checkpoint sa NCR na nagdudulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko.

Pero paglilinaw naman ni Malaya, ang suhestiyon ng PNP ay magtayo ng random checkpoint at hindi ang tuluyang pagtatanggal nito. ((Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.