Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Checkpoint tuloy sa NCR, iba pang MECQ – PNP

0 385

Bukod sa mananatili ang curfew, inanunsyo rin ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga checkpoint sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ganundin sa tatlo pang lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Abril 12 hanggang Abril 30.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, nagpatawag ng pulong si PNP chief Gen. Debold Sinas kahapon ng umaga bago pa man inanunsyo ang MECQ para mapaghandaan na ang mga kinakailangang gawin para sa implementasyon nito.

“The NCR Plus bubble will be kept under check. The essential travelers will be allowed 100 percent while non-essential travelers may be limited to certain percentage according to establishments but not more than 50 percent,” ayon kay Usana.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque Linggo ng hapon na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa enhanced community quarantine (ECQ) ay ilipat sa MECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Kasama rin ang Santiago City sa Isabela, Quirino province, Abra at Cordillera Administrative Region. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.