Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHED aprub sa sex education

0 508

Bukas ang Commission on Higher Education (CHED) sa panukalang isama sa mga leksiyon ng mga estudyante sa kolehiyo ang wastong paggamit ng mga contraceptive.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera, walang magiging problema sa kanila kung isasali lamang sa mga asignatura ang pagtuturo sa wastong paggamit ng contraceptives.

Pero ibang usapan na aniya kung ang mungkahi ay gawing isang panibagong subject dahil mangangailangan ito ng pag-apruba ng Kongreso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“If the addition is just ti integrate it that will be easier thing to do. We object only if it requires a new subject but if it is integrated in existing, that is not very difficult thing to do,” ani De Vera.

Ipinaliwanag ni De Vera na ang tanging concern lamang ng CHED ay kung paano ito isama sa leksiyon at kung anong subject maaaring ipasok ang pag-aaral sa wastong paggamit ng contraceptives.

Ang pagtuturo sa wastong paggamit ng contraceptives ay para maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan at maharap sa maagang responsibilidad, at para mapigilan na rin ang paglobo ng populasyon ng bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.