Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHED hirit face-to-face class sa mga marino student

0 40

Hiniling ng Commission on Higher Education (CHED) kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na ang face-to-face classes sa mga kursong engineering, hotel and restaurant management (HRM) at maritime program.

Sa Talk to the People ng Pangulo, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na sumulat ang mga dayuhang kompanya na nag-eempleyo ng mga seaman na ibibigay sa ibang bansa ang slot ng mga marinong Pinoy kapag hindi makapag-face to face ang mga maritime student.

“Mayroon pong urgency na payagan sila kasi kung hindi makapag-shipboard, hindi maka-train sa barko `yong ating mga estudyante, sila po’y hindi makaka-graduate at hindi makakasakay sa mga barko sa labas,” ani De Vera.

Inendorso na aniya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kanyang rekomendasyon at hinihintay na lamang ang magiging tugon ng Pangulo sa kahiligan ng mga maritime school.

Tiniyak ni De Vera sa Pangulo na mahigpit ang kanilang guidelines para maiwasan ang hawaan ng COVID kapag pinayagan ang face-to-face classes. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.