Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHED inaprub limitadong face-to-face class sa NCR

0 238

Inihayag ng Commission on Higher Education kahapon na puwede na ang limitadong face-to-face class sa lahat ng degree program sa mga kolehiyo o unibersidad sa National Capital Region at sa iba pang lugar na ibinaba sa COVID-19 alert level 2.

Ngunit nilinaw ni CHED Chairman Prospero De Vera III na papayagan lang ang face-to-face class kung ang mga estudyante, faculty at empleyado ay nabakunahan, at may mataas na vaccination rate sa eskuwelahan.

Isa pang malaking konsiderasyon ang pag-apruba mula sa local government unit (LGU) kung papayagan na magbukas na ang mga higher education institution (HEI) sa kanilang lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa rito, sinabi ni De Vera na ang mga pasilidad ay dapat nasuri ng lokal na pamahalaan, Department of Health at CHED.

Dahil dito, muli siyang nanawagan sa mga mag-aaral na magpabakuna para magkaroon ng ligtas na face-to-face class. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.