Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHED ititigil face-to-face class ‘pag may positibo

0 205

Agad ititigil ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face class kung may isang estudyanteng tatamaan ng COVID-19, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

“Ang guidelines nito ‘pag may nag-positive sa mga estudyante, auto-matic itinitigil ang limited face-to-face [classes]. Hindi question ang kung ilan. Kung meron, automatic ititigil,” lahad ni CHED chair-person Prospero de Vera III sa televised briefing nitong Martes.

Sa kabila nito, sa unang buwan umanong pagsasagawa ng face-to-face class ng ilang unibersidad ay wala pang transmission ng COVID-19 na naitatala sa kanilang mga estudyante.

“Halimbawa ang UP [University of the Philippines College of Medi-cine], ang kanilang mga estudyante sa first two months ng limited face-to-face nila, ang transmission ay zero. Ibig sabihin, kung susundin talaga yung guidelines, ligtas ang mga estudyante,” ani De Vera.

Samantala, pinahinto naman ng CHED ang isang kolehiyo sa Cebu na nag-sagawa umano ng face-to-face class kahit hindi kasama sa listahan ng mga pinayagan sa limitadong klase.

SM food to go Banner Ad

Ang naturang paaralan ay ang Cebu Technological University-College of Veterinary Medicine (CTU-CVM).

“The school was ordered to stop right away if indeed the report is true. This was already coordinated with the school admin concerned and they said it will stop conducting face-to-face classes,” saad ni CHED regional director Max Aljibe.

Naungkat ang isyu nang ibunyag ng National Congress of Veterinary Medicine Students na nagsasagawa ng in-person class ang naturang paaralan.

Ito’y kahit pa hindi kasama ang CTU-CVM sa listahan na inilabas ng CHED sa mga unibersidad at kolehiyo na puwede sa limitadong face-to-face class. (Issa Santiago/Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.