Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHED may patakaran sa balik ng athletic training

0 164

Nagpalabas ng mga alituntunin ang Commission on Higher Education o CHED sa pagsasagawa ng “on campus stay-in training” para sa collegiate athletics sa mga lugar na nasa ilalim general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

Batay sa guidelines, dapat magsumite ang higher education institutions (HEI) ng certificate of compliance, kalakip ang kagustuhang muling magsimula ng collegiate training activities, kumpletong listahan ng student-athletes, staff, lahat ng kasama at aalalay sa training, health declaration forms, at koordinasyon sa Local Government Units (LGU) para sa intra- at inter-zonal movements.

Bago simulan ang training, dapat may task Force on-site ang eskwelahan na binubuo ng athletics director, team doctor at student health representative para sa koordinasyon ng independent response.

Nililimitahan naman sa body conditioning ang mismong training at para lamang ito sa non-body contact drills at individual skills development training.

Inirekomenda pa ang 14-day quarantine para sa student athletes at hindi mandatory ang Cvid-19 test. Pero pewede ring magsagawa ng PCR o rapid test. Sakaling may magpositibo sa mga atleta o staff, sususpindihin ang training at iba pang aktibidad.

Nakapaloob sa guidelines ang pagsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF), Department of Health (DOH) at LGU protocols, kasama ang mga panuntunan sa disinfection, contact tracing at iba pa.

Sakaling lumabag sa guidelines ang HEI ay maaaring patawan ito ng ‘written reprimand’ o suspensyon.

Ayon sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at iba pang higher education institutions, may virtual training naman nang isinasagawa ang mga atleta simula nang mag-lockdown.

Gayunman, nakasalalay sa kakayanan ng paaralang sumunod sa guidelines ang pagbalik sa physical training ng student athletes.

Ginawa ang guidelines ng Technical Working Group (TWG), na binubuo ng mga kinatawan ng CHED, DOH, Philippine Sports Commission, HEI at concerned stakeholders sa bansa. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.