Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chef ng Shangri-La rumaket sa shabu

0 141

Nalambat ng San Juan Police ang dalawang big time chef ng kilalang resto matapos mahuli sa ikinasang buy bust operation, Pasko ng gabi sa Barangay Kabayanan.

Kinilala ni Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan Police station ang suspek na sina Dicky Jan Dela Cruz y Tiamson, 35, chef ng Almusal Cafe at Raphael Caparaz y Zapanta, 27, chef ng Shangri-la at kapwa kasama sa listahan ng Unified watchlist ng pulisya.

SM food to go Banner Ad

Sa nakalap na report sa Eastern Police District, nahuli ang magkasabwat na chef alas-11:00 Biyernes ng gabi sa Fernandez St., Barangay Kabayanan, matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer.

Nakuha sa dalawa ang 4 plastic sachet ng shabu na nagkakahalagang P6,800 at P500 buy-bust money.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa San Juan custodial facility at kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.