Abante Tonite Interactive

Chelsea diyosa ng tubig

205

Nagpasilab ng kaseksihan, ganda at talino ang Miss Tacloban na si Chelsea Fernandez sa katatapos na Miss Philippines Earth 2019.

Mapalad siya na napabilang siya sa mga title holder matapos masungkit ang Miss Philippines Earth–Water 2019.

Swak sa kanya ang nakuhang titulo. Sa kanyang magandang physique, tindig at appeal ay mahahalina ang kahit na sino. Hindi lang ito ang nakamit niya sa larangan ng pageantry. Siya rin ay tinanghal na Miss Tacloban 2017 at Reyna ng Aliwan 2018.

Sa dami ng kanyang titulo, ipinanganak talaga siya para maging beauty queen.

Sey niya pa sa katangian ng isang reyna, “Definitely not prestige, nor glory. It’s about staying true to your dreams that change you for the best.

A queen believes in standing up and walking tall even in the midst of self-doubt and insecurities. It’s having a crown of compassion and determination to do more not just for yourself but for others. It’s more than a privilege, it’s a beautiful responsibility.”

Matapos magwagi, nagpasalamat siya sa mga taong naniwala sa kanya.
Aniya, “Happy, contented, and thankful with what I’ve got and I hope you guys, too. Let’s spread love and positivity all the time. I’m still young, I know, but there’s always a room for improvement.” (Ronaline Avecilla)