Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chemical weapon ‘tinanim’ sa kotse

0 53

Inabandona ng hindi pa nakilalang lalaki ang 105MM Projectile na sinasabing isang uri ng chemical weapon sa nakaparadang sasakyan sa Barangay Commonwealth, Quezon City, kahapon.

Ayon sa pulisya, alas-12:30 ng tanghalo nang matagpuan ang isang abandonadong 105MM Projectile sa loob ng Perry Mazda L300.

Ayon kay Sonny Libunao, 57, may asawa, at may-ari ng sasakyan, katatapos lamang niyang kumain pero pagbalik niya sa kotse ay nakita niya ang 105MM projectile kaya agad niyang ini-report sa pulisya sa pangambang sumabog ito.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng Batasan Police Station 6 sa pangunguna ni PLt. Novelson Maanao, at maingat na kinuha ang nasabing projectile.

Dinala ito sa Quezon City Police District Explosive Ordnance Disposal para sa imbestigahan kung sino ang nag-iwan ng armas. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.