Chen , Heechul inalipusta ng mga Korean fan

447

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga tanggap ng mga Korean fan kapag nalalaman ng mga ito na “dating” o may karelasyon na ang idolo nila.

Minsan nga sa bansa, kapag nagkaka-edad na ang artista, pinu-push ng mag-asawa. Sa South Korea, tila marami pa rin talagang passionate at possesive na mga fan sa ganitong situwasyon.

Apat ang lumabas sa koreaboo.com na diumano’y naging dating scandal talaga among the idols lately.

Sina Som Hein, Sulli at Choiza, EXO’s Chen at sina Twice’s Momo at Super Junior’s Heechul.

Maraming K-netizen ang tumuligsa kay Som Hein. Pero ang international fans naman ay humanga sa pagiging totoo raw nito. Kaya naman mas naging proud na rin ito na mag-post ng mga pictures kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Gayundin ang nangyari sa namayapang si Sulli at si Choiza. Nang lumabas ang dating scandal nila, grabe ang tinanggap na pang-aalipusta kay Sulli more than kay Choiza. Kesyo napaka-irresponsable at hindi na raw inisip ang mararamdaman ng mga fan. Kung sabihin, isa si Sulli sa marami rin hardship na pinagdaanan kaya naman siguro nauwi sa suicide ang lahat.

Labing-limang fan sites accounts ni EXO-Chen ang nag-close down nang aminin nito na magpapakasal na at may longtime girlfriend na buntis.

Positibo lang ang pagtanggap ng international fans, pero hindi ang Korean fans na feeling nila, na-betray sila.

At ang huli ay sina Heechul at Momo. Sila ang big reveal ngayong 2020 pero yun lang, hanggang ngayon, nakatatanggap pa rin sila ng criticisms from the fans.

Marami na rin mababasa from online na dapat ay hindi na ituring na scandal kung dating o may karelasyon man ang mga iniidolo nila and let them be happy. Pero ‘yun nga, until now, tila hirap pa rin itong tanggapin, lalo na ng mga Korean fan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...