Abante Tonite Interactive

Chen prinotesta na tanggalin sa EXO

366

Nagkaroon na ng protesta ang EXO-L, tawag sa mga fan ng sikat na South Korean boy group na EXO noong January 19 sa harapan ng SMTown.

Kung dati ay sa pamamagitan ng social media idinadaan ng mga EXO-L ang kanilang protesta na ma-kick-out na si Chen sa grupo, this time ay through physical protest na.

Kahit winter ngayon sa South Korea at malamig, hindi ito naging hadlang para mag-protesta physically ang mga ito.

Against na against sila sa idea na pagkatapos ng announcement ni Chen na magpapakasal ay malalaman nilang buntis ang non-showbiz girlfriend nito. Pakiramdam nila ay na-betray nito ang tiwala nila at niloko sila.

So, all they want ay tanggalin na sa EXO si Chen. Taliwas naman ito sa gustong mangyari ng mga miyembro na they will stand together with Chen as a group.

Pero, ang nakakatawa, sa kabila ng mga panawagan nila for protest, halos pito lang yata ang dumating at nag-protesta sa harap ng SMTown.

Tila naging katatawanan pa tuloy ang mga ito at ang sarcastic na comment ng mga netizen, “Omg, shocking! They’re so many!” at “Chen be very afraid!”