Abante Tonite Interactive

Cher mangmang sa Twitter

By
0 185
Natatawa na lang ang singer-actress na si Cher, 72, kapag naaalala niya nu’ng unang gumamit siya ng Twitter. Ani ng Goddess of Pop, “I was so ridiculous.”
Ayon sa 72-year-old singer-actress, marami raw siyang mga memorable tweet na naisulat na dapat ay hindi lahat sinasabi.
“It was easy to live before Twitter. Tweeting was kind of an accident,” ani Cher sa Live Nation kung saan siya nagpo-promote para sa kanyang upcoming Here We Go Again tour.
Nu’ng una raw siyang gumamit ng Twitter, talagang natakot daw siya. Wala raw siyang masabing anuman, “but I found out that I had, but everybody thought it was hysterical, so I think it got me, like a gazillion followers in one day.”
Ang biggest viral stories niya ay nu’ng 2017 nang umabot ng 3 million ang kanyang microbloggingsite. Tweet daw niya na may dropping sentiments, “Can anyone c me?” Sinulat daw niya iyon nu’ng May 2014. Same month pa rin ay may tweet din siyang “Wu Tang Cher Clan.”
Pag-amin ni Cher, marami raw siyang nagawang pagkakamali nang gumagamit ng Twitter. Wala raw kasi siyang kaalam-alam kung paano gumamit ng Twitter that time. Katunayan, nasasabihan pa nga raw siya ng mga bata ng “do this, do that, don’t ever do that.”
Pakiramdam daw niya ay napahiya siya sa sarili, kaya agad-agad “I kind of got a crash course in it right way.”
“Sometimes you want to say something in the heat of the moment and you put it out and if you send it and you look at it and you go, ‘What? What was I thinking?’” pag-amin pa ni Cher.
Ang singer ay may kick off tour sa January 17, 2019 sa Estero, Florida at magtatapos ng May 18, 2019 sa Saint Paul, Minnesota.