Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cherie 3 ang tumor sa utak; lumaban sa kanser

0 100

NI: CRISTY S. FERMIN

Sino nga ba ang makalilimot sa napakapopular na litanyang, “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat!” Sabay saboy ng tubig kay Sharon Cuneta.

“Bituing Walang Ningning.” Siya si Lavinia Arguelles, dating mayhawak ng trono bilang pinakamaningning na bituin, pero kinabog sa popularidad ng kanyang inaalagaang si Sharon Cuneta.

Binabalot ng lungkot ngayon ang mundo ng showbiz dahil sa paglutang ng balitang pumanaw na ang magaling na kontrabidang si Cherie Gil.

Ilang buwan na ang nakararaan ay may mga larawan niyang lumabas sa isang magazine na nagpakalbo siya. Inakala ng marami na gusto lang niya ‘yon, pero may ilang kaibigan naman siyang nagkomento na kailangan niyang magpakalbo, dahil sumasailalim na siya sa chemotherapy.

Isa si Direk Franie Zamora sa iilang kaibigan ni Cherie Gil na nakakaalam kung gaano katindi at kahirap ang pinagdaanang biyahe sa pagkakaroon ng cancer ng magaling na aktres.

Pahayag ng aktor-direktor, “Last November pa lang, ipinakonsulta na ni Cherie ang bukol niya sa likod. Sa biopsy, cancerous ang bukol. Pagdating niya sa New York, hindi muna siya nagpa-confine, OPD siya.

SM food to go Banner Ad

“’Yong bukol sa likod, galing sa uterus, sa likod lang ang manifestation. Hanggang sa lumundag na sa mga buto niya, hanggang sa nakakita na ng tatlong tumor niya sa utak.

“So, binuksan, pero isa lang ang nakuha. Masaya pa si Cherie, nakikipagkuwentuhan pa siya sa mga friends namin, ganu’n naman siya talaga, very jolly.

“Hanggang sa hindi na siya ma-contact ng mga kaibigan namin, wala na pala siya sa hospital, nasa isang home care na siya. Du’n na siya inabutan ng death niya.

“Pero nandu’n ang parents niya, nagpunta na sa New York sina Tito Eddie at Tita Rosemarie a few months back pa para bantayan si Cherie.

“Gusto niya sanang makasama ang mga anak niya kay Renee Rogoff, pero hindi nangyari. Ang anak niya kay Leo (Martinez) lang ang nakasama niya sa New York,” kuwento ni Direk Franie Zamora.

Sa isang post ni Sharon Cuneta nu’ng Biyernes ay sinabi ng Megastar, “I flew to a place very far away from California to visit a very sick friend who happens to mean the world to me…”

Bukas ang mga detalye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.