Abante Tonite Interactive

Cherie imbudo sa mga feeling close

0 524

Imbiyerna ang prem-yadong aktres na si Ms. Cherie Gil sa mga kabataang artista na wagas kung makatawag sa kanya ng ‘Tita’ kahit hindi naman niya kilala ang mga ito.

Ano bang bet niyang itawag sa kanya?

“Madame,” sagot sa amin ng batikang kon-trabida, sabay tawa.

Seriously, okey na raw sa kanya ang tawaging Ms. Cherie dahil may paggalang. Ang dami raw kasing mga bagets na bigla na lang lalapit sa kanya at bebeso, sabay sabi ng, “Hi, Tita!”

Kaya tinuruan niya raw ang nagwu-workshop sa mga ito na dapat matuto ang young stars na i-introduce ang mga sarili nila.

Ayun, nu’ng minsang humanash si Ms. Cherie sa Facebook ay nag-viral ito at kabilang si Ms. Lea Salonga sa mga nagreak at nag-repost sa emote niya na, “Don’t call me Tita.”

Ngayon ay meron nang series sa iWant na ang pamagat ay “Don’t Call Me Tita.” In-offer daw ito sa kanya, pero busy siya sa play na “Angels in America” so hindi niya natanggap.

Marami pala sa friends ni Ms. Cherie na ka-age niya ang ganu’n din ang feeling. Ayaw ng mga ito na tinatawag na ‘Tita’ dahil overpresumptuous daw ‘yon at nakakainsulto.

Mga pamangkin niya lang daw at mga bagets na nakita niyang lumaki, na ang mga nanay ay kaibigan niya ang may karapatang tumawag sa kanya ng Tita.

Samantala, uso nga-yon ang May-December affair sa pelikula at kahit sa digital series. Ang close friend niyang si Mylene Dizon ay meron sa Cinemalaya katambal si Kit Thompson.

Sabi sa amin ni Ms. Cherie, meron din siya sa TBA (nag-produce ng “Heneral Luna,” “Goyo,” atbp.) pero pinag-uusapan pa ang magiging kapareha niya at sana raw ay makuha nila ito.

Kung siya ang papipiliin, ang gusto niya raw ay mga tipong Dingdong Dantes, Derek Ramsay, Jericho Rosales at Gerald Anderson.

Mga nasa ganu’ng edad. Ayaw niya raw ng mas bata na kaedad na ng anak niya. Gusto niya raw ay ‘yung puwedeng mainlab sa kanya talaga.

“Masyadong baby naman sina Ruru (Madrid), lalagyan ko pa sila ng chupeta!” bulalas ni Ms. Cherie.

“Enrique (Gil) played my son. How?!”

Sabi namin, dapat bagets kasi May-December nga, eh!

“Eh well, I’m older than Mylene, so puwede pa ‘yon. May-December na rin ‘yon dahil mas matanda na rin ako!” natatawang sagot niya sa amin.

56-anyos na si Ms. Cherie. Si Mylene ay 42.

Judge ang mahusay na aktres sa bagong season ng “StarStruck.” Aliw ‘yung tsika niya na mahaba raw mag-advise ang co-judge niyang si Heart Evangelista. Mala-Oprah raw ito.

Siya raw ay diretso lang, she just says it as it is. Si Jose Manalo ang pampatawa sa tatlo at pam-break ng tension.

Okey lang daw sa kanyang mag-clash o magkapikunan sila ni Heart lalo na ‘pag mainitan na ang labanan.

Sey ni Ms. Cherie, hindi siya maninigaw dahil mga bata ang mga “StarStruck” hopeful at discoura-ging daw ‘yon. Isa pa ay nandu’n ang mga magulang at kamag-anak ng mga ito.

At saka na-realize daw niya na, “Art only blooms, creatively only blooms when you feel loved.”