Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chery 50-50 sa AVC tourney

0 64

Alanganin ang reigning Premier Volleyball League (PVL) Open Conference champions Chery Tiggo Crossovers sa imbitasyong lumaro sa 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship.

Ito’y dahil hindi makakalaro ang pambato ng Crossovers na si 2021 Open Conference Finals MVP Jaja Santiago.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatakdang tumungo ni Santiago sa Tokyo sa Setyembre para sa Japan V.League, habang sa Oktubre 1 hanggang 7 ang AVC Asian Women’s Club tournament.

Hanggang Agosto 31 naman ang ibinigay na palugit sa Crossovers para magdesisyon habang sa Setyembre 10 ang deadline ng pagsusumite ng official lineup para sa torneo. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.