Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chery hinirit ang Game 3 : Santiago pasiklab

0 191

Binuhay pa ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang Chery Tiggo sa hinagupit na 25 points para bulilyasuhin ang Creamline sa pagsungkit ng titulo, 25-18, 17-25, 25-16, 25-21 sa Premier Volleyball League (PVL) 2021 Open Conference ‘Bubble’ Finals Game 2 sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte Huwebes ng gabi.

Nakapaloob sa bangis ng 25-year-old, 6-foot-5 middle blocker mula sa Cavite ang tiniradang 20 attacks, 3 blocks at 2 service aces upang pahabain ng Crossovers ang serye sa knockout Game 3 kontra Cool Smashers ngayong Biyernes ng alas-5:00 nang hapon.

“I believe in God. Siya talaga ang nagdala sa amin dito. Lahat ng ginagalaw namin kumbaga hard work and let God do the rest,” suma ni Santiago, ang hinirang na player-of-the game sa women’s pro indoor volleyfest na binabalangkas ng Sports Vision Management Group, Inc.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinilit pang pumalag ng Creamline sa second stanza na dinaklot, 17-25. Pero mas naging agresibo ang Chery sa 3rd at 4th sets kung saan malaking tulong kay Jaja ang ate na si Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat..

Sinungkit na ng Petro Gazz ng bronze medal nang walisin sa race-to-two win series din ang Madeleine Yrenea ‘Maddie’ Madayag-less Choco Mucho, 25-20, 25-18, 25-21. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.