Abante Tonite Interactive

Chery Tiggo Crossovers mag-iingay sa Superliga

161

‘Di na masisilayan ang Foton sa 2020 Phili­ppine SuperLiga Grand Prix na magsisimula sa Pebrero.

Pero walang dapat ikalungkot ang mga fan ng Tornadoes dahil nagpalit lang ng pangalan ang, magiging Chery Tiggo Crossovers na.

Parehong may-ari at may naidagdag lang na mga malulupit na player, bagama’t ‘di pa makakalaro ay kasama pa rin sa team ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Manabat.

“We still have the same ownership, we will just be carrying the Chery Tiggo brand as a team name starting this year,” saad ni Chery Tiggo manager Diane Santiago kahapon sa press conference sa Ponce Restaurant sa Quezon City.

Sinabi naman ni United Asia Automotive Group Marketing AVP Noelle Aujero, na nais nilang ipakilala ang Chery Tiggo kaya pinalitan nila ang Foton. (Elech Dawa)