Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chess susulong kahit ECQ

0 397

Muling pinatupad ng pamahalaan ang pinakaistriktong enhanced community quarantine (ECQ) sanhi sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID na nagpatengga rin sa Philippine sports.

Pero hindi para sa National Chess Federation of the Philippines na tuloy ang ilang online event kabilang ang Luzon Leg ng Philippine Sports Commission-NCFP selection tournament na magsisimula bukas hanggang Huwebes.

Ayon kay NCFP president-chairman at senior Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., ang magsisilbing una sa serye ng sulungan ito na matatapos sa isang Grand Finals kung saan ang mangunguna sa men at women ang mga papasok sa national team may monthly allowance.

“This is an opportunity for Filipino chess player to become member of the national team,” hirit ni tournament director Grandmaster Jayson Gonzales sa kompetisyong libre ang rehistrasyon.

Matapos ang Luzon leg, magtutungo sa Visayas sa April 13-15 at Mindanao e sa Apr. 20-22 kung saan ang magwawagi ang mga uusad sa quarterfinals (Apr. 27-29), semis (May 11-13) at grand finals (July 2-4).

Gagamitin ang isang hybrid format na online at face-to-face games.

Lahat ng nais sumali, makipag-ugnayan kay Michelle Yaon sa 0910-372-6152 o kay Susan Neri sa 0933-550-5019.

Sinimulan na rin ng NCFP ang Marinduque Southern Luzon Leg ng National Age Group Championships.

Gaganapin din ngayong taon ang Southeast Asian Games qualifying tournament, World Chess Olympiad selection tournament, National Seniors at National Championships na tatampukan ng Battle of Grandmasters sa huling bahagi ng taon. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.