Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chevrolet nagliyab sa Roxas Blvd

0 242

Isang barangay kagawad ang nasugatan matapos magliyab ang minamaneho nitong kotse kahapon sa may Buendia, Roxas Blvd., Pasay City.

Nagtamo naman ng maliit na sugat sa ulo at paa ang driver ng sasakyan na si Manila Barangay Kagawad Gary Limpin.

Naganap ang insidente pasado alas-7:00 ng umaga kung saan bakal na lamang ang natira sa kotseng Chevrolet matapos ang 30-minuto.

Sinabi ni Limpin na habang bumabagtas sa Roxas Boulevard papuntang Maynila ay bigla umanong nag- lock ang manibela ng sasakyan.

Hindi na umano niya nakontrol ang sasakyan hanggang sumalpok ito sa center island.

Mabilis umano itong lumabas ng sasakyan hanggang sa tuluyan na rin itong nagliyab. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.