Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chcago Marathon kinansela

0 218

Kanselado sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan nito, ang pagkaripas ng Bank of America 43rd Chicago Marathon 2020 dahil sa coronavirus pandemic, base sa pahayag kahapon (Manila time) ng organizers sa Estados Unidos.

“The Chicago Marathon is our city’s beloved annual celebration of more than 45,000 runners, as well as tens of thousands of volunteers, spectators and city residents, all of whom come together race weekend as one community here in our city,” bulalas ni Chicago City Mayor Lori Lightfoot.

Nakatakda sanang umarangkada sa taong ito ang 42.195-kilometer footrace sa Oktubre 11. Iniulat ng Chicago health department na may 55,184 confirmed cases na ng virus sa lungsod kung saan 2,682 na ang mga namatay. (R. Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.