Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chief ng 9 pulis sa Jolo rubout tinodas

0 129

Pinatay ang dating hepe ng Jolo, Sulu Police Station, na sinibak dahil sa neglect of duty matapos makapatay ang mga tauhan niyang sundalo sa nangyaring engkuwentro noong Hunyo.

Sa ulat nitong Sabado, sinabi ni Brig. Gen. Ildelbrandi Usana, Philippine National Police spokesperson, iniimbestigahan na ang pagpatay kay PCapt. Walter Annayo sa Sultan Mastura, Maguindanao nitong Sabado ng hapon.

Sa inisyal na report mula sa Maguindanao Police Provincial Office, nag-park ng sasakyan si Annayo para bumili ng buko sa Narciso Ramos Highway sa Barangay Macabiso nang isang hindi kilalang gunman na sakay ng puting Toyota Fortuner ang bumaril sa kanya sa ulo at katawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinanggal sa puwesto si Annayo matapos siyam na tauhan niya ay makapatay sa apat na operatiba ng Army intelligence noong Hunyo 29.

Sinabi ng mga naturang pulis na self-defense ang nangyari pero sa isinagawang imbestigasyon ng Senado ay inamin nila na hindi sila sigurado kung sino ang unang nagpaputok sa pagitan nila ng mga sundalo.

Nahaharap ang siyam na pulis sa apat na counts ng murder at isang count ng planting of evidence na inihain ng National Bureau of Investigation. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.