Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chienna enjoy na maldita

0 106

NI: VINIA VIVAR

Hindi itinatanggi ng Star Magic talent and former GirlTrend member na si Chienna Filomeno na talagang iniyakan niya rin ang mga basher. Matatandaang naging biktima rin ang Kapamilya star ng cyberbullying at kung ano-ano ang masasakit na salitang naibato na sa kanya ng netizens.

“It was a hard process,” pag-amin ni Chie sa recent interview sa Mega online magazine.

“May mga nights na iiyak ka at hindi ka makatulog, syempre tao ka lang din naman– nasasaktan.

“Minsan mapapaisip ka na lang baka totoo yung sinasabi nila kasi paulit-ulit binabato sayo. They try to put you down that you’re starting to believe what they are saying,” pahayag niya.

Good thing, nandiyan daw ang kanyang family and friends na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

SM food to go Banner Ad

“This is how I cope up, I have a very strong support system.

“My family and friends nandiyan sila for me. They know me better than anyone and I know myself. Yun yung sinasabi ko sa mga times that I just wanna give up,” she said.

Nagpapasalamat din si Chie na hindi naman siya pinababayaan ng kanyang Kapamilya dahil lagi naman siyang binibigyan ng project.

Nabanggit nga niya sa isang panayam na enjoy na enjoy siya doing kontrabida roles.

“Ako kasi ever since pumasok ako sa industry, gusto ko talaga maging kontrabida which is, ‘yun ang binibigay sa akin,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.