Abante Tonite Interactive

Chienna pinulutan ng mga basher

1,235

NI: RONA RONDA

Pinag-iinitan ng mga basher sa Twitter ang Kapamilya star na si Chienna Filomeno. Sunod-sunod din kasi ang naging rant nito tungkol sa relevant issue lalo na sa gobyerno at kay Koko Pimentel.

Nagpahayag din siya ng suporta kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Please use your KOKOte. Hindi dapat si Vico pinapatawag ano po,” isa sa kanyang mga tweet.

May ilan pa siyang tweet tungkol sa anomalya na nagaganap umano ngayong COVID-19.

“Ano to diverting attention para kupit time?”

“Uy dili ko pwede mag saba diri. Dili ta pwede magsaba. Kay atua ng 275billion. We have every right to complain dahil atin yung pera. Naintindihan ko LAHAT nang sinabi niya. Matatapos na lang ECQ wala pa ding KONKRETONG PLANO. Dahas pa din ang solusyon? AT MAG ANTAY?!”

Dahil sa kanyang mga hinaing, may ilang kunwestyon at nambatikos sa kanya. Dito na nga ginamit ng ilang basher ang naging kontrobersyal na dance performance ng grupo niyang Girl Trends.

May mga nagsabi na sumayaw na lang umano siya at kabisaduhin ang dance step.

Tonite – Wendys Inhouse Ad