Abante Tonite Interactive

Chienna umalmang nagparetoke ng boobs

330

Hindi itinatago ni Chienna Filomeno na isa siyang retokada. Wala raw masama kung i-enhance niya ang sarili niya.

“It’s your own choice… as long as wala kang natatapakang tao, go with it,” deklara niya.

Inamin niya ang kanyang nose job. Pero tinawanan niya ang netizen na nagsasabing nagpalaki siya ng boobs.

“HAHAHAHAHAH! Tawang-tawa ako! Try mo freebra. It helps a lot,” pakli niya.
Si Chienna ay kilalang mi­yembro ng GirlTrends sa noontime show na “It’s Showtime.”

May karapatan naman siyang magbuyangyang ng kanyang kaseksihan sa kanyang Instagram account. Marami talaga ang maiinggit sa kanya. Ginawan nga siya ng intriga na umano’y pinagkakakitaan ang kanyang katawan.

Sa “Tonight With Boy Abunda” ay sinagot niya ito. Ilang beses na raw niyang naririnig ang tsikang ‘yun pero keber niya.
Hindi raw totoo ‘yun. (Roldan Castro)