Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chikungunya tumama sa Oriental Mindoro

0 25

Naalarma si Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz sa pagtaas ng kaso ng chikungunya virus sa lugar.

Pinayuhan niya ang mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran matapos 40 kaso na ng chikungunya ang nai-report sa lugar simula Marso.

Ang chikungunya ay isang viral disease na naipapasa sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng mga infected na lamok.
Ani Cruz, lahat ng municipal employee ay tutulong sa paglilinis ng mga kanal sa Biyernes upang mabawasan ang mga breeding area ng mga lamok. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.