Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Child-friendly safe zone tinakda sa QC

0 81

Nagtakda ang Quezon City government ng ilang open-air locations sa lungsod bilang ‘child-friendly safe zones’ kung saan papayagang magtungo at makapagsagawa ng outdoor activities, non-contact sports at exercise, ang mga paslit na limang taong gulang pataas.

Ito’y matapos na pahintulutan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga edad 5 pataas na lumabas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa inilabas na memorandum, sinaad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kabilang ang Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa mga safe zone, maging ang ilang city-owned parks na pinangangasiwaan ng Quezon City Parks Development and Administration Department at mga pasyalan sa loob ng mga residential subdivision.

Sinabi rin ng alkalde na ang Quezon City Business Permits Licensing Department ay maaari ring magtakda ng mga safe zone, kabilang ang mga outdoor activity area, swimming pool, tourist site, al fresco dining o iba pang open air area sa mga mall at iba pang commercial establishment. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.