Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Child sex online pinasilip sa Kamara

0 50

Naalarma na ang isang grupo ng kababaihan sa patuloy na paglobo ng mga kasong may kinalaman sa online sexual exploitation of children (OSEC) lalo na ngayong nahaharap sa COVID-19 pandemya ang bansa at nagkaroon pa ng magkakasunod na kalamidad.

Dahil dito, naghain ng House Resolution No. 1313 si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kasama ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na humihiling sa House committee on children na imbestigahan ang nakaaalarmang kaso ng mga OSEC.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Brosas, nasa walo mula sa 10 batang Pinoy ang nanganganib na malagay sa online sexual abuse base sa ulat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Mahalaga aniyang kumilos na ang Kongreso upang maprotektahan ang mga kabataan mula sa online sexual abuse at mga sindikatong may kinalaman dito.

Base umano sa pag-aaral, karamihan sa mga biktima ng online sexual abuse ay nasa 11-anyos at tumatagal naman ng mula dalawang buwan hanggang apat na taon ang haba ng panahon ng pang-aabuso. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.