Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Childhood sweetheart sa selda ang tuloy

0 530

Sinira ng magdyowa ang kasabihang “pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy” nang sa kulungan ang mga ito humantong.

Hindi man nagkatuluyan ang childhood sweethearts mula high school hanggang college, pinatunayan nilang maging sa bisyo ay walang iwanan nang kapwa naaresto sa isang buy bust operation sa Maragondon, Cavite.

Nasa Maragondon Custodial Center ngayon sina Loreto Bartolome Jr., 40, at Lucie Ann Emelo, 40, kapwa may-asawa at taga-Brgy Pantihan 4, Maragondon, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Pat Juviel de Leon, ng Maragondon MunicIpal Police station, ika-8:00 kamakalawa ng gabi nang ikasa ang operation sa Brgy Pantihan 4 ng naturang bayan.

Narekober sa kanila ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Nabatid na ang dalawa ay dating childhood sweetheart at nagpatuloy ito hanggang sa college subalit hindi tila hindi sila para sa isa-isa’t nang nakatagpo sila ng kanilang bagong pag-ibig at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya.

Subalit muling umusbong ang kanilang damdamin nang muling nagkita at palihim na nagtatagpo at kasabay nito ay niyakap ng babae ang bisyo ng lalaki, ang droga na siyang nagpatatag sa kanilang pagmamahalan na ginawang negosyo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.