Abante Tonite Interactive

China bantay-salakay sa Panatag Shoal – Palasyo

536

Ipinagtanggol ng Malacañang ang Phi­lippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa pangunguha ng mga taklobo o giant clam ng mga Chinese vessel sa Panatag Shoal na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na posibleng itinaon ng mga Chinese ang pa­ngunguha ng taklobo habang wala ang mga barko ng PCG.
Ayon kay Panelo, napakalawak ng dagat at hindi ito kayang bantayan ng PCG sa loob ng 24 oras lalo na kung iilan lang ang barko nila.

“You must remember that this is a vast ocean; you cannot just guard them 24 hours a day if you have only one or two. There might be a time when you’re there but they’re not there. When you leave the area, that’s the time when they go on fishing or whatever that they do,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na kailangang dagdagan ang puwersa ng PCG sa lugar subalit kung kulang ang mga barko ay dapat sigurong bumili ng dagdag para dito.

China pagbayarin
sa taklobo – Locsin
Sa kanyang tweet kahapon, sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. na hindi kinakailangang sumabak sa giyera ang Pilipinas nang dahil lamang sa taklobo sa halip ay pagbayarin na lamang ang China.

“I am not going down in history as a clam defender, okay? It’s a complaint; we’re looking into it; but these are just fuckin­g food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemaria­quer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market,” tweet ni Locsin. (Aileen Tali­ping)