Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China binanatan ng European Union

0 39

Mariing tinutulan ng European Union (EU) ang ginawang panghaharang at pambobomba ng water cannon ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa dalawang supply boat ng Armed Forces of the Philippines malapit sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal sa West Philippine Sea (WPS) noong Nobyembre 16.

Sa isang pahayag, binatikos ng EU ang ikinikilos ng China sa South China Sea na maaaring makaapekto umano sa “kapayapan, seguridad at katatagan” ng rehiyon at ng pandaigdigang batas pangkaayusan.

Idinagdag din ng EU ang kahalagahan para sa lahat ng partido na irespeto ang kalayaan sa paglalayag at paglipad sa himpapawid ng South China Sea.

SM food to go Banner Ad

Hinikayat ng EU ang lahat na ayusin ang hindi pagkakasundo ayon sa isinasaad ng pandaigdigang batas gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Binanggit ng EU ang isinasaad sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 16, 2012 na nagsabing ang Second Thomas Shoal ay matatagpuan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at maging sa continental shelf nito. (Roy Mabasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.