Abante Tonite Interactive

China cruise ship pinayagang maka-dock sa Maynila

597

Pinayagan umano ng Philippine Coast Guard (PCG) na makadaong sa Port of Manila ang cruise ship na Spectrum of the Seas na ang homeport ay sa Shanghai, China.

Ayon kay PCG Spokesman Comman­der Armand Balilo, pinayagan umano na makadaong sa Port of Manila ang cruise ship matapos na makakuha ng clearance mula sa Bureau of Quarantine (BOQ) para mag-refuelling.

Walang pinayagan na sinuman sa mga crew at pasahero sa cruise ship na nangga­ling sa Japan na maka­baba sa Port of Manila.

Ito ay kasunod na rin sa nararanasan na coronavirus 2019 (COVID-19) scare sa bansa.

Nabatid na ang nabanggit na cruise ay noon pang Biyernes na nakadaong sa pier ng Manila Port. (Juliet de Loza-Cudia)