Abante Tonite Interactive

China envoy naglagak ng ₱60K piyansa

197

Naglagak ng piyansa ang China envoy at kolumnistang si Ramon Tulfo sa kasong libel at cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ito ang nakasaad sa November 8 order na pirmado ni Manila Regional Tria­l Court Branch 12 Judge Renato Enciso kung saan ay naglagak ng P60,000 piyansa si Tulfo.

Itinakda ang pagbasa ng kaso kay Tulfo sa Nobyembre 26, sa alas-8:30 nang umaga.

Nag-ugat ang kaso si Medialdea kay Tulfo sa serye ng column na inilabas nito na umano’y nakasira sa kanyang pangalan.

Mariing itinanggi ni Medialdea ang mga akusasyon at sinabing wala siyang inilabas na memorandum na nagpapabor sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC), at sinabing ang apela ng isang Felicito Mejorada ay naaksyunan sa loob ng tatlong buwan.

May kasong libel at cyber libel din si Tulfo kina Bureau of Internal Re­venue Commissioner Caesar Dulay at dating Justice secretary Vitaliano Aguirr­e.

Ani Aguirre: “malicious, libelous and defamatory” ang mga isinulat sa kanya ni Tulfo na inilabas pa sa Facebook.