Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China ginagaya tela ng Cordillera

0 259

Pinaaaksyon ng mga manghahabi ng Cordillera ang gobyerno hinggil sa lumalaganap na mga pekeng tela galing China.

Ayon kay Virginia Doligas, manager ng Easter Weaving Room Inc. sa Baguio City, karamihan sa mga huwad na tela ay machine-made replicas na gawa sa textile at mas mababa ang kalidad kumpara sa mga tunay na tela.

Ang nasabing mga pekeng produkto ay binebenta aniya sa murang halaga at nakapanloko na umano ng maraming mga customer.
Naapektuhan din aniya ang mga maliliit na negosyong nagbebenta ng mga lokal na hinabing tela. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.