Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China herbal medicine pinayagan ng FDA vs COVID

0 390

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng isang Chinese herbal medicine para sa mga taong mayroong mild at moderate COVID-19.

Inanunsyo ito ng Chinese Embassy nitong Miyerkoles kung saan pinayagan na umano ng FDA ang traditional herbal medicine na Lian Hua Qing Wen capsule bilang Traditional Chinese Medicine (TCM) sa Pilipinas.

Ayon sa embahada, ang naturang gamot ay gawa ng kilalang traditional Chinese medicine manufacturer na Shijiazhuang Yiling Pharmaceutical Co. Ltd.

Nabatid na sa ngayon ay ginagamit ito sa Hong Kong, Macao, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuador, Singapore at Laos.

Pinayuhan naman ng embahada ang publiko na bumili lang ng mga authentic TCM na gawa ng mga kuwalipikadong pharmaceutical manufacturer. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.