Abante Tonite Interactive

China inaagawan ng pagkain ang ‘Pinas!

282

“Pagkain ng mga Pilipino ang ninanakaw ng China sa mismo pa nating teritoryo.”

Ito ang himutok ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano dahil sa paglobo aniya ng bilang ng mga Chinese fishing vessel sa West Philippine Sea.

Kamakailan lamang ay naglabas ang Washington-based think tank Asian Maritime Transparency Initiative (AMTI) ng satellite image na nagpapakita ng presensiya ng mga mangingisdang Chinese sa West Philippine Sea.

Binigyan-diin ni AMTI Director Gregory Poling na ang bilang ng mga Chinese fishing vessel ay mas marami noong 2018 kaysa nung 2017.

Isinisi ni Alejano ang pagdami ng mga Chinese fisherman sa pro-China policy ng administrasyon na naging tahimik naman ani­ya sa panghihimasok at pangha-ha­rass laban sa mga kababayan na­ting mangingisda at mga sundalo.

“We have seen how China has repeatedly defied our sovereignty and yet our government remains muted and lackadaisical in its defense of our rights over the West Philippine Sea. This has embol­dened China to continue its illegal actions in the area which inlud poaching and robbing our maritime resources. Mesa ng pamilyang Pilipino ang nawawalan ng pagkain dahil sa pagiging bulag, pipi at bingi ng gobyerno sa pagnanakaw at pang-aabuso ng China,” paliwanag ni Alejano.

“Ito ang kagitgitan ng ating mga ordinaryong mangingisda na nais lang namang maghanapbuhay,” dagdag ng kongresista.
Kasabay nito, iginiit ni Alejano sa gobyerno na suportahan ang mga mangingisdang Pinoy sa harap ng mga fishing activity ng China sa West Philippine Sea.

Matatandaang naging mala­king isyu rin ang pagdami ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa Pilipinas na nagiging kaagaw pa umano ng mga Pilipino sa hanapbuhay.