Abante Tonite Interactive

China lumambot, nakisimpatiya sa 22 Pinoy fisherman

816

Mistulang lumambot ang China matapos makisimpatiya sa kinasapitan ng 22 Pilipino na mangingisda kaugnay ng nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese at Philippine fishing vessel.

Nagsagawa ng press conference si Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang at kabilang sa naitanong ang tungkol sa banggaan sa pagitan ng Chinese at Philippine fishing vessel.

Sa transcript ng naturang presscon, binigyan-diin ng China na aksidente lamang ang nangyaring banggaan sa Recto Bank at ito ay hindi makakaapekto sa magandang relasyon ng Pilipinas at China.

“On the early morning of June 10, an accidental collision took place between a Chinese fishing vessel and Filipino fi­shing vessels near the Liyue Tan. We express our sympathy to the Filipino fishermen who were in distress,” sabi ni Kang.

Aniya, bukas sila sa anumang pag-uusap sa anumang magiging resulta ng im­bestigasyon ng Pilipinas upang magkaroon ng linaw at mawala ang mga pagdududa sa tunay na nangyari sa sinasabing banggaan ng dalawang barko base sa makakalap ng mga impormasyon.

Matagal na umanong magkaibigan ang Pilipinas at China na nagtutulu­ngan sa isa’t isa.

Samantala, magkatugma ang kuwento ng Vietnamese boat captain sa paha­yag ng kapitan ng barko ng Pilipinas na si Junel Insige.

Lumabas sa Saigon Times ang buong kuwento ni Nguyen Thanh Tam ng Vietnamese fishing vessel na Ngo Van Theng kaugnay ng ginawa nilang pagliligtas sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

Sinabi pa nito na walang ibang Phi­lippine vessel sa lugar nang mangyari ang insidente.