Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China kakasuhan ex-dyowa

0 373

NI: ROMMEL PLACENTE

AMINADO ang social media influencer, sexy actress na si China Roces, na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang dating live-in partner na si Tim Sawyer .At kahit naman si Tim ay aminado na mahal pa rin niya si China.

“Hindi naman mawawala ‘yun eh,”sabi ni China na kakahiwalay lang sa dyowa.

Nasaktan lang daw siya dahil sa pagbabago ni Tim.

“Kaya nga nilalaban ko ‘yung mga pagkakamali niya. Dati naman hindi siya ganoon. Kailangan niya ng someone na maga-advice sa kanya. Ang problema kasi sa kanya, ayaw niyang humingi ng advice sa ibang tao.Kailangan niya ng guidance talaga,” lahad ni China.

Dugtong pa niya, “Mabait naman talaga si Tim.Nagulat nga lang ako kung ano ‘yung pinanghahawakan niya kung bakit siya nagbago. Nag-iba ‘yung pananaw niya sa buhay,”aniya.

Pero nag-uusap pa ba sila ni Tim?

“Nag-uusap pa rin kami. Siyempre tatay siya ng anak ko, ‘di ba?” pakli niya.

Meron silang anak na 6-month old na lalaki .Ang baby nila ang nagsisilbing inspirasyon niya para patuloy na lumaban sa buhay.

“Ang lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa baby namin,” sambit niya.

May pagsisisi ba na minahal niya si Tim?

“Wala namang pagsisisi. Ba’t magisisisi,e happiness ko rin naman ang magmahal?”

Pero,nakikipag-usap ngayon si China sa kanyang lawyer para maayos ang karapatan ng kanyang anak at pagbibigay ng sustento ni Tim.

Bukas din ang espasyo ng Tonite kung magbibigay si Tim ng kanyang side.

Samantala, tuloy rin si China sa pagiging vlogger. Pero since hiwalay na sila ni Tim, kaya solo na lang siya . May naisip na raw siyang bagong content na gagawin.

Bukod pa rito, babalik na siya sa pag-aartista.

“Bahala na si Lito (de Guzman, ang kanyang manager)sa akin. Marami siyang plano para sa akin. Nagho-host naman ako,at nag-aartista,” bulalas pa niya.

Given a chance, sinong aktor ang gusto niyang makatrabaho?

“Si Jericho Rosales. Idol ko siya. Magaling kasi siyang artista,” tugon ni China.

Hindi kaya nagkaroon sila ng relasyon dati ni Jericho?

“Hindi. Walang ganon, HIndi naging kami. Humahanga lang ako sa kanya,”natatawang sagot niya.

Sa mga artistang babae naman, ang gusto niyang makatrabaho ay si Maja Salvador.

Nakausap namin si China nang mag-guest siya sa show namin sa Kumu nina Roldan Castro, Mildred Bacud, Fernan de Guzman at Blessie Cirera na Real Talk With Friends. Napapapanood ito tuwing 9PM. Sa mga gustong mapanood ang show namin sa Kumu, pumunta lang kayo sa Rodilicious account.

Sa gitna ng tsikahan namin sa aktres sa Kumu show namin, may kumuha agad sa kanya para mag-guest sa isang programa sa TV5 ngayong Oktubre.

Leave A Reply

Your email address will not be published.