Abante Tonite Interactive

China at mga Pinoy malabong maging BFF

By
1,711

Tanggap ng Malacañang ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na mas pinagkakatiwalaan ng mga Filipino ang Amerika at Japan kumpara sa China.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ito nakapagtataka dahil ang Amerika at Japan ay matagal ng kaibigan ng Pilipinas habang ang China ay nagsisimula pa lamang sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon kay Roque, ilang dekada na ang pagkakaibigan ng Pilipinas sa Amerika at Japan kayat establisado na ang tiwala ng mga pilipino sa dalawang bansa.

“Of course this does not come as a surprise, the Americans and the Japanese have been our traditional allies. It’s only proper that our people have trusted them because of our long and established relationship. We note however that the trust rating of our people towards China is neutral, it is because we have only started our very close relationship with the People’s Republic of China under the administration of President Duterte,” ani Roque.

Batay sa SWS survey, neutral ang trust rating ng mga Filipino sa China na ayon kay Roque ay hindi naman masama dahil hindi negatibo ang resulta.

Sinabi ng kalihim na nasa China na ang pagkakataon kung paano makuha ang tiwala ng mga Filipino, at ito ay magagawa aniya kung tutuparin ang mga pangako na hindi magkakagulo dahil sa isyu sa West Philippine Sea.

“So like all relationships, this is a two-sided relationship. We want to trust China, but China must also prove herself to be trustworthy,” dagdag pa ni Roque.