Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China pinaimbestigahan sa oil exploration

0 86

Iginiit ng Makabayan bloc sa Kamara na imbestigahan ang sinasabing oil exploration activity ng China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Inihain ng grupo ang House Resolution No. 1971 para hilingin sa House committee on natural resources na alamin ang katotohanan ukol sa nasabing aktibidad ng China sa EEZ ng bansa.

Una nang napaulat na nakadiskubre ang mga mangingisdang Pinoy sa Infanta, Pangasinan ng device o gamit na may Chinese marking sa bahagi ng Panatag Shoal na kalaunan ay nalaman na isang ocean bottom seismometer o OBS.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinumpirma ng maritime law expert na si Jay Batongbacal, na ang OBS ay ginagammit sa pag-detect ng lindol at oil exploration.

Nasa kustodiya na ng Philippine Navy ang naturang device para isailalim sa pagsusuri. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.