Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China sinakop na West PH Sea – Zarate

0 255

Hindi na maitatago ang tunay na pinaplanong pananakop ng China sa mga isla sa West Philippine Sea (WPS) na malinaw na nasa ilalim ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, ayon sa isang mambabatas.

Sinabi ito ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, matapos ang ulat na mabilisang pinaaalis ng mga Chinese vessel na kasalukuyang nasa WPS ang Philippine military aircraft na nagsagawa ng aerial patrol sa Julian Felipe Reef noong Martes.

Sinasabi umano sa Chinese radio communication ang mga salitang: “You are approaching a Chinese reef. To avoid any move that may cause misunderstanding, please leave immediately.”

Ayon kay Zarate, isang malinaw na katibayan ito na ang Chinese maritime military fleet ay hindi naroroon sa Julian Felipe Reef dahil sa “weather disturbance” kundi bilang paghahanda para tuluyang sakupin ang naturang lugar at magsagawa ng reclamation activity para gawin itong panibagong artificial island-military installation katulad aniya ng ginawa sa pito pang reef na pag-aari ng Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

Malinaw na pursigido umano ng China na sakupin ang mga isla sa WPS kasunod na rin ng inilabas na pahayag ng National Task Force for West Philippine Sea na lumipat umano ang mga Chinese vessel sa ibang lugar sa may Kalayaan Island Group.

Dahil na rin dito, hindi maalis kay Zarate ang paniniwala na may kinalaman sa donasyong bakuna ng China ang presensiya ng mga Chinese vessel sa maritime territory ng Pilipinas.

“We should not allow that these donated vaccines by China be like the biblical ‘thirty pieces of silver’ that will further betray and sell out our national sovereignty and sovereign rights in our territories,” dagdag ni Zarate. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.