Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China: US spy plane nagkunwaring sa `Pinas

0 131

Posibleng maipit sa bangayan ng China at Amerika ang Pilipinas dahil sa panibagong tira ng Estados Unidos sa Asian country.

Sa ulat ng South China Morning Post, nagbago umano ng identification code ang isang eroplano ng US Air Force na ginagamit sa pag-espiya para magmukhang aircraft ito na nagmula sa Pilipinas.

Ito’y nasilip umano ng South China Sea Strategic Situation Probing Initiative (SCSPI), at napansin din ng monitoring agency na Aircraft Spots ukol sa spy plane ng US Air Force na dumaan sa Yellow Sea, na nasa pagitan ng border ng China at Korea.

Ayon sa ulat, nang dumating na sa Yellow Sea ang RC-135S reconnaissance aircraft ay biglang nagbago ng hex code ang naturang eroplano para magpanggap umano na eroplano ng Pilipinas, at bumalik sa orihinal na code matapos ang pagdaan malapit sa China.

Hindi umano ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahuli ang Amerika na nagbabago ng code, kung saan base rin sa SCSPI ay nagkunwari ang spy plane ng US bilang isang civilian aircraft naman mula sa Malaysia.

Kung may katotohanan umano ang paratang ng China, delikado ito sa mga sibilyan dahil noong 1983 ay pinagbagsak ng Russia ang isang eroplano mula Korean Airlines kung saan 269 pasahero ang nasawi dahil napagkamalan itong spy plane ng Amerika.

Giit naman ni USAF Pacific Air Force head Kenneth Wilsbach, wala silang ginawang mali at sinunod aniya ang mga regulasyon para sa international airspace. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.