Abante Tonite
Mabilis sa Balita

China walang werpa pigilan PH patrol sa WPS

0 415

Walang ligal na basehan ang China na pigilan ang Pilipinas na magsagawa ng maritime patrol Sa West Philippine Sea, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Kasabay nito ay sinabi ni Lorenzana na walang basehan ang nine-dash line ng China na siyang ipinangangalandakan ito.

Wala naman umano ito sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at pinawalang bisa sa 2016 Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa hirit ng Pilipinas sa mga exclusive economic zones sa South China Sea.

“They have no authority or legal basis to prevent us from conducting these exercises within the WPS (West Philippine Sea). Atin yan (It’s ours),” sinabi ni Lorenzana.

Sinabi ito ni Lorenzana kasunod ng pahayag ng Chinese government na dapat itigil ng Pilipinas ang maritime exercises sa disputed sea.

Para naman kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ginagawa umanong komplikado ng China ang sitwasyon sa WPS sa mga ginagawa nito.

Kung mayroon umanong dapat na umalis sa EEZ ay ang mga Chinese at hindi ang mga Pilipino dahil ang WPS ay may layong 600 milya sa China.

“They should leave the WPS. They are the interloper,” dagdag pa ng solon.(Kiko Cueto/Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.