Abante Tonite Interactive

China World Cup hitik sa reklamo

467

Maraming reklamo ang nakarating sa International Basketball Federation hinggil sa layo ng biyahe ng mga bansang sumali sa 18th FIBA World Cup 2019 knockout stages sa China nitong Agosto 31-Setyembre 15, na nawawalan na ng oras para maghanda sa mga laro.

Aayusin ng world governing body ng sport ang travel demands para ‘di na maulit ang reklamo sa susunod na 19th World Cup.

Pero mukhang babalik ang problema, dahil tatlong bansa ang hosts sa 2023 – Pilipinas, Japan at Indonesia.

Sa walong lungsod sa China ang group stage, bumiyahe ng malayo sa knockout at classification phase.

Nakinabang raw ang semifinal winners Spain at Argentina sa pagkakaroon ng dalawang araw na off bago ang matches, samantalang isang araw na pahinga lang sa losers Australia at France.

Ikinatuwiran ng FIBA na ‘di maiiwasan ang sakit ng ulo sa mga ganitong torneo – 92 games sa 16 days at sa 8 cities.

Sa Beijing nagbuno ang Spain at Argentina sa finale na itinakbo ng Spaniards 95-75.

“After having experienced it, on paper sometimes it looks perfect,” ani FIBA secretary general Andreas Zagklis. “Then you see the imperfect aspects of it. These are the things we’re ready to improve in the future.”

Pinaliwanag ng nag-resign na coach ng Serbia na si Sasha Djordjevic na dapat pantay-pantay ang araw ng pahinga.

Apektado rin aniya ang kalidad ng mga laro dahil siniksik ang games sa maigsing panahon lang.

“Give the same conditions to all the competitors to have the same rest days, the same conditions to compete,” giit ni Djordjevic. “After 15 days of games and games and game, and back to back … you need that rest to give your best basketball.” (VE)