Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinabank nalusutan ng nag-iisang holdaper

0 114

Natangayan umano ng hindi pa mabatid na halaga ng pera matapos na pasukin ng nag-iisang holdaper ang Chinabank branch sa Otis, Paco, Maynila nitong Lunes ng hapon.

Kinumpirma ni Manila Police District director Brig. Gen, Leo Francisco na nag-iisa lamang ang suspek nang pasukin nito bandang ala-1:50 ng hapon ang naturang sangay ng Chinabank.

Batay sa inisyal na ulat, nakasuot umano ng itim na jacket ang suspek na may nakasulat na `NMAX’.

Sakay umano ang suspek ng itim na Yamaha Mio nang tumakas patungo sa direksiyon ng Malakanyang.

Samantala, sinabi ni Francisco na sinisilip din nila kung may inside job sa insidente.

“Iniimbestigahan natin `yong dalawang guwardiya bakit nakapasok [ang suspek] pero wala silang ginawa, dalawa sila dun tapos nag-iisa lang `yon,” ayon kay Francisco.

Hindi pa batid ng mga awtoridad mula sa naturang bangko kung magkano ang posibleng natangay ng nag-iisang holdaper.

“Nakita sa CCTV wala naman siyang (suspek) dalang bag kaya tiyak na hindi naman kalakihan kung may nakuha siya,” ani Francisco.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.